New Pit Boss

I got promoted and all I can say is God is really really good! Maraming maraming salamat po! Lahat ng paghihirap ko sa wakas napansin rin. At alam ko hindi mangyayari 'to ng walang gabay ni Lord. Aaminin ko lagi akong tulog sa table. Kung hindi dahil sa kanya malamang inulan na ako ng salto. Salamat at lagi niya dinidinig prayers ko. Lagi ko nakukumpleto incentives ko kahit hindi na quarterly. Well, fault ko naman kung bakit di ko makumpleto quarterly, dahil yun sa late at absent ko. Sad right? Sana kasi walang verbal ang sick leave. Haha!

Anyway gusto ko lang ishare na masaya ako sa pagkapromote ko at sana kayong bumabasa nito wag mawalan ng pag-asa. Dahil sa totoo lang hindi ko inexpect na mapopromote ako dahil lagi ako pinapagalitan ng mga studio manager pero gaya nga lagi sinasabi ng trainor ko na si Ma'am Queen, "pag hindi ka favorite, gawin mo ang best mo". Well I did. Every day and every night pinipilit ko magising para walang salto, complete incentives at may extra money pangfamily day. Uh huh! Ang pamilya ko ang inspiration, para may panggastos sa needs at wants at may pangabot sa magulang. Sana kayo rin wag susuko. Galingan niyo lagi.



Quote for the day:

Never stop doing your best just because someone doesn't give you credit.  

No comments:

Post a Comment