July 17, 2015


Finally nakabili rin. Ilang beses ako nagattempt bumili nito pero hindi matuloy tuloy dahil maraming gastusin. Pero dahil mabait si Lord may sumobra sa ipon ko. Huhooo!!! May bag na ako for hiking. Yes! Hindi ko maexplain kung gano ako kasaya ngayon. Parang gusto ko ng pumuntang bundok agad kaso tag-ulan, mahihirapan ako.







At dahil sale sa SM North, binilhan ako ng asawa ko ng bags para daw sa mga gadget ko pag nagouting or hiking kami. Ang bait. Hindi ko akalain na bibilhan niya ako dahil nagiipon siya at marami siyang gastusin at gusto bilhin. Sobrang natouch ako.

Ang saya saya ko talaga sa mga bago kong bag. Simple lang kaligayahan ko. Ganito lang. Sana pagkumpleto na gamit ko paghiking may pera at lakas pa ako panghiking at syempre sana maapprove leave or maging weekend naman rest day ko. Lord, super thank you. Alam mo talaga mga kaligayahan ko. I love you. Sisikapin ko lalo maging mabuting tao.




New Pit Boss

I got promoted and all I can say is God is really really good! Maraming maraming salamat po! Lahat ng paghihirap ko sa wakas napansin rin. At alam ko hindi mangyayari 'to ng walang gabay ni Lord. Aaminin ko lagi akong tulog sa table. Kung hindi dahil sa kanya malamang inulan na ako ng salto. Salamat at lagi niya dinidinig prayers ko. Lagi ko nakukumpleto incentives ko kahit hindi na quarterly. Well, fault ko naman kung bakit di ko makumpleto quarterly, dahil yun sa late at absent ko. Sad right? Sana kasi walang verbal ang sick leave. Haha!

Anyway gusto ko lang ishare na masaya ako sa pagkapromote ko at sana kayong bumabasa nito wag mawalan ng pag-asa. Dahil sa totoo lang hindi ko inexpect na mapopromote ako dahil lagi ako pinapagalitan ng mga studio manager pero gaya nga lagi sinasabi ng trainor ko na si Ma'am Queen, "pag hindi ka favorite, gawin mo ang best mo". Well I did. Every day and every night pinipilit ko magising para walang salto, complete incentives at may extra money pangfamily day. Uh huh! Ang pamilya ko ang inspiration, para may panggastos sa needs at wants at may pangabot sa magulang. Sana kayo rin wag susuko. Galingan niyo lagi.



Quote for the day:

Never stop doing your best just because someone doesn't give you credit.  

July 7, 2015

iPod 5th Gen


Finally nakabili rin ng something for my younger brother. Since nabigyan ko na siya noon ng BlackBerry phone plan ko bumili ng digital camera para sa kanya kasi di ko naman afford yung gusto niyang laptop (Nabanggit kasi noon ni Papa na nagpapabili siya ng laptop nung graduation). Gift ko 'to sa kanya kasi nakapass siya ng board exam so super late 'tong gift na 'to. Medyo nagipon pa ako at sa situation kong pamilyado medyo mahirap magipon dahil maraming gastos. Ito naisip kong ibigay para naman may pangCOC siya at pangpicture pag may girlfriend na siya. Haha! Syempre gusto ko madocumentation niya rin ang love life niya. Haha! Well sana magustuhan niya 'to kahit second hand lang, pinaghirapan ko 'to. Dugo't pawis galing sa pagtatrabaho ko.

Thanks to you, Lord dahil tinulungan mo ako magipon kahit puro layas ang ginagawa ko lately.