My First Laptop



Yes! This is my first ever laptop, MacBook Pro A1278 13-inch. Napanalunan ko sa Chinese New Year party namin, ito ang 2nd prize. God is good right? I'm so blessed dahil nung mga oras na nabunot ako sa raffle nakaduty ako at natutulog ako sa resting area namin. Wala akong kamalay malay. Nung sinabi ng pitboss na nanalo ako, akala ko isang malaking joke lang ito para magising ako sa pit. Pero totoo pala at ang saya ko. Ang swerte ko kasi napakaeffortless ng pagkapanalo ko. Hindi ko na kinailangan magpunta dun dahil may duty ako so nakalibre ako ng gown at make up. Yey! Unang naisip ko ibibigay ko 'to sa asawa ko dahil sira na laptop niya o kaya sa kapatid kong bunso na si Jerwin. Kaso naisip ko na hindi fan ang asawa ko ng Apple dahil pag nasira mahirap ayusin at madamot daw. Ang kaptid ko naman for sure lalagyan niya lang ng games kaya parang hindi maganda kung MacBook ang gagamitin niya. 

Sa totoo lang gusto ko gamitin 'to kasi mahilig ako maginternet at magedit ng video kaso pag naiisip ko na mahal 'to at nanghihinayang ako na ako lang gagamit. Ayoko na ako lang ang masaya at makikinabang lalo na ngayon na may anak na ako. Dahil nanay na ako kailangan ko maging selfless, kaya naisipan ko na ibenta 'to kay Kim. At ang pera na makukuha ko ay gagamitin ko pangschool ni Bobby. Practical lang dapat ako makuntento kung ano meron ako. Okay na ako sa desktop na gingamit ko sa bahay namin at sa bahay ng asawa ko. Lahat ng luho ko isusuko ko masure ko lang ang magandang future ng baby ko. Needs first bago ang mga wants ko. 

Bago matapos ang blog ko gusto ko magpasalamat sa Mansion88 para sa regalo na 'to at syempre kay Lord na dahil sa dami ng employee ng Mansion88 e ako pa talaga ang nabunot. Thank you at dininig niyo ang prayers ko. I love you Lord! You're the best!



No comments:

Post a Comment