Apple iPod 5th Gen


January 2013 palang gusto ko na bumili ng iPod 5 kaso may biglang dumating na magandang blessing sa akin, si Bobby kaya imbis na bumili ako sinabi ko na lang sa sarili ko na tsaka na lang kasi magreresign ako, iipunin ko muna money ko para sa baby ko para matulungan ko si Emman. At nung nanganak ako ng December 2013, bibili na sana ako kaso unfortunately najaundice si Vanna at kinailangan siya iNICU for 1 week so need ng money, dahil si Emman ang nagbayad sa hospital ng nangnak ako nagdecide ako na ako naman ang magbabayad ngayon kaya hindi na naman ako bumili. At nung umuwi si ate Maribeth from Dubai nagoffer siya na bilhan ako ng iPod at bayaran ko na lang raw pag nagkawork ako ulit pero hindi ako pumayag. Ayoko kasi ng may utang  lalo na dahil lang sa luho at tsaka alam ko kasi na kailngan rin niya ng pera dahil may mga anak rin siya. At ito nga November 2014, sa wakas nakabili na rin ako ng pinakaasam asam ko. Thanks to Gabe na tinulungan ako bumili. Sobrang saya ko dahil finally nakabili rin ako. Picture everyday na ito. Madami dami na documentation ni Bobby. Haha! 

Lord salamat po dito. Alam ko dahil sa inyo kaya ako nakabili nito. Dahil malamang kung hindi kami healthy hindi na naman ako makakabili. Salamat at wala kaming mga sakit ngayon at salamat sa trabaho na binigay niyo, at salamat sa gabay dahil lagi ko nakukumpleto  sahod at incentives ko.

No comments:

Post a Comment