The Miracle of Life






 2:00 ng madaling araw nagising ako mula sa panaginip, akala ko nananaginip ako na umiihi. Yun pala pumutok ang panubigan ko. Takot na takot ako dahil akala ko mawawala ang baby ko, dahil sobrang dami na ang lumabas sa akin na tubig at dahil hindi ko pa due. Akala ko talaga mababaliwala yung pinaghirapan ko sa loob ng 39 weeks, but thank God hindi. 14:30 nasilang ko na ang pinakaiintay ko. Salamat sa Diyos at normal ang itsura niya at patuloy pa rin ako nagdarasal na normal din ang pag-iisip niya.


Nakakatawa lang isipin na habang asa labor room ako dasal ako ng dasal na sana lumabas ang baby ko within 24 hours, kasi kapag hindi siya lumabas agad maCS ako. Bukod sa takot ako mahiwaan  dahil hindi na ako makakapagbikini, takot rin ako sa malaking bill. Dahil tiyak pag naCS ako, lalaki ang charge sa delivery room at sa PF ng mga doctor ko. Thank God dahil pinagbigyan ako ni Lord  na normal  delivery, 12 hours lang ako naglabor. At ang masayang part hindi ko pa siya masyadong nafeel dahil 8 CM ko na nafeel ang sakit. Thank God mataas ang pain tolerance ko. At salamat rin kay Dra. Aida Villena dahil pinatulog niya ako kahit hindi ko hiniling.

Nais kong magpasalamat sa fiance kong si Pupung sa pagprovide ng needs ko at sa pagalaga sa akin habang asa hospital ako. Hindi mo kami pinabayaan, maswerte kami ng anak ko sa iyo, nawa'y hindi  ka magbago. At Lord sobrang salamat dahil hindi mo kami pinabayaan. Salamat at hindi mo binawi ang buhay ko at buhay ng anak ko. Salamat at binigyan mo kami ng grasya para mabayaran namin ang mga bayarin at dapat namin bilhin. Salamat Lord at binigyan mo ng knowledge ang mga doctor at nurse na nagassist sa amin ng anak ko. Salamat Lord at binigyan mo ako ng family na maaasahan 24/7 at sa mga kaibigan ko na naalala ako at ang anak ko. Sobrang salamat sa lahat Lord! Mabait ka talaga, you're the best! At syempre nais ko rin pasalamatan ang mga taong nagdasal ang sumoporta sa amin.

No comments:

Post a Comment