December 26, 2013


Yes, I'm depressed. Ito na ata ang sinasabi ng sister-in-law ko na after giving birth may depression kang mafefeel. At super nafeel ko siya nung naconfine si Bobby. Alam ko naman na hindi nakakamatay ang photo therapy pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Sobrang nalulungkot ako dahil naconfine si Bobby. Na sana ako na lang ang nahospital dahil kaya ko naman tiisin yung mga injection. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ang anak ko sa mga tinutusok nila. Nakakayamot isipin na sa gabi ng pasko, dito kami sa Dr. Fe Del Mundo Medical Center magstay.

No comments:

Post a Comment