November 25, 2013

I'm touched. Dahil wala OB ko nung Saturday at nakaschedule magcheck up sa Monday, gusto ako samahan ni Tita Yolly dahil wala ako kasama, may work si Emman. Swerte ko naman sa future mother-in-law. Alam ko hindi lahat ng mother-in-law sasamahan ang daughter-in-law nila magpacheck up. I'm blessed. 


After check up nagpabreakdown na ako sa OB ko kung mga magkano ang magagastos namin sa normal delivery. At nung nakita ko parang gusto ko umiyak ng dugo. Kaya naman namin bayaran kaso ayoko sana masagad savings namin kasi alam ko magastos magkafamily, hindi lang ito ang gagastusin namin. Nahihiya ako kay Pupung dahil shoulder niya lahat 'to dahil wala akong work. Alam ko nahihirapan siya, dahil bukod sa amin ng baby ko, binubuhay niya rin ang parents niya na may mga maintenance pang gamot. Ang dami niyang gastos at wala man lang ako maitulong. Nagsisisi ako na nagwork ako sa company na hindi pwede ang buntis, ayan tuloy bum ako at financially dependent kay Emman. Kung papalarin ako mabuhay after giving birth sisikapin ko makahanap agad ng trabaho para makatulong ako kahit papano sa gastusin.

Dear whoever is reading this, please pray for us. Nawa'y healthy ang baby namin, normal delivery ako at malagpasan namin lahat ng gastusin. Maraming salamat! 

No comments:

Post a Comment