November 25, 2013

I'm touched. Dahil wala OB ko nung Saturday at nakaschedule magcheck up sa Monday, gusto ako samahan ni Tita Yolly dahil wala ako kasama, may work si Emman. Swerte ko naman sa future mother-in-law. Alam ko hindi lahat ng mother-in-law sasamahan ang daughter-in-law nila magpacheck up. I'm blessed. 


After check up nagpabreakdown na ako sa OB ko kung mga magkano ang magagastos namin sa normal delivery. At nung nakita ko parang gusto ko umiyak ng dugo. Kaya naman namin bayaran kaso ayoko sana masagad savings namin kasi alam ko magastos magkafamily, hindi lang ito ang gagastusin namin. Nahihiya ako kay Pupung dahil shoulder niya lahat 'to dahil wala akong work. Alam ko nahihirapan siya, dahil bukod sa amin ng baby ko, binubuhay niya rin ang parents niya na may mga maintenance pang gamot. Ang dami niyang gastos at wala man lang ako maitulong. Nagsisisi ako na nagwork ako sa company na hindi pwede ang buntis, ayan tuloy bum ako at financially dependent kay Emman. Kung papalarin ako mabuhay after giving birth sisikapin ko makahanap agad ng trabaho para makatulong ako kahit papano sa gastusin.

Dear whoever is reading this, please pray for us. Nawa'y healthy ang baby namin, normal delivery ako at malagpasan namin lahat ng gastusin. Maraming salamat! 

November 16, 2013



My baby shower gift from Beb, Ajean. Akala ko hindi ko na siya makikita before ako maggive birth but thank God nagpunta pa rin siya so nagkabonding pa kami kahit sandali. Super naappreaciate ko yung gift niyang clothes, hindi dahil favorite ko ang purple, kundi dahil despite na jobless siya, binilhan niya ang baby girl ko ng new clothes. I'm really blessed to have a friend like her. Kahit magkalayo kami, hindi niya ako kinakalimutan. And super naappreciate ko kapag nagsasabi siya ng secrets sa akin, feel na feel ko na love niya ako at may tiwala siya sa akin. How I wish na kahit kasal na kami, hindi magbago friendship namin. I will take care and love her gaya ng ginagawa niya sa akin. 

Mom & Baby Forum


Yey! Ang dami ko na naman nakuhang freebies for my baby galing sa seminar. Makakatipid na naman. Thank you St. Luke's Medical Center, Dra. Aida Villena and most of all to you Lord! We're so blessed. May knowledge na about parenthood, may freebies pa. Yey! 

I would also like to say thank you to my father to be, Emmanuel for accompanying me. Kahit puyat sinamahan ako. Sad to say, late kami kaya for the second time hindi na naman ako nakasali sa raffle. 

For me attending seminar is fun, sobrang dami kong natututunan and I hope magamit ko 'to pag dating ni baby girl. My goal is to be the best mom, kaya kahit anong aga ng seminar gigising ako para matuto. Gusto ko pag laki ng baby ko, masasabi niyang swerte siya kasi ako ang nanay niya.

November 9, 2013


Our baby at 34 weeks

Yey! Finally alam na namin gender ni baby. It's a girl. So happy to know na okay siya, she has four chamber heart, she has kidney, walang bingot and nakacervix position. Hoping and praying na healthy siya lalabas sa akin through normal  delivery. 

Medyo naiyak ako sa saya nung nakita ko siya. Kung walang OB for sure naiyak na talaga ako. Ang kulit ng baby ko, habang nagultrasound kami gumagalaw siya, dumadapa, nagtatakip ng mukha at dumidila pa. Sa unang pagkakataon nasabihan ang baby ko ng "cute"  ng naguultrasound sa akin kasi dumidila siya at galaw ng galaw.  Sayang lang dahil hindi na witness ni Pupung yun, bawal kasi ang may ibang tao habang inuultrasound sa St. Luke's Medical Center. 

We can't wait to see you baby.