September 26, 2013

Kaninang umaga nagshoot ang teleserye na Genesis sa kapitbahay namin at natuwa ako sa mga staff nila. Bukod sa maraming bumili sa amin, ang friendly pa nila. Bolero na kung bolero at least nakakaganda ng araw. Positive vibes always hanggang nasa womb pa si baby para happy din siya. 

First Scene

Customer: May shooting dito. 

Me: Sino po?

Customer:  Andito sila Rhian Ramos at Dingdong. Kalevel mo mga artista dito.

Me: (Smile ng onti, flattered.)


Nakakatuwa dahil kahit nakikita niya na buntis ako, nagagawa pa niyang bolahin ako. Kahit feeling ko ang pangit ko, may nakakapansin pa rin ng beauty ko. 



Second Scene:


Customer: Pangilang baby mo yan?

Me: First po.

Customer: Maganda rin siguro anak mo, gaya mo.

Me: (Smile)


Nung sinabi sa akin yun ng customer namin, ang unang pumasok sa isip ko, "babae anak ko?".  I'm still hoping and praying for a baby boy. Pero kung di man ako pagbigyan ni Lord, basta healthy and normal baby happy na ako. 




No comments:

Post a Comment