September 26, 2013

Kaninang umaga nagshoot ang teleserye na Genesis sa kapitbahay namin at natuwa ako sa mga staff nila. Bukod sa maraming bumili sa amin, ang friendly pa nila. Bolero na kung bolero at least nakakaganda ng araw. Positive vibes always hanggang nasa womb pa si baby para happy din siya. 

First Scene

Customer: May shooting dito. 

Me: Sino po?

Customer:  Andito sila Rhian Ramos at Dingdong. Kalevel mo mga artista dito.

Me: (Smile ng onti, flattered.)


Nakakatuwa dahil kahit nakikita niya na buntis ako, nagagawa pa niyang bolahin ako. Kahit feeling ko ang pangit ko, may nakakapansin pa rin ng beauty ko. 



Second Scene:


Customer: Pangilang baby mo yan?

Me: First po.

Customer: Maganda rin siguro anak mo, gaya mo.

Me: (Smile)


Nung sinabi sa akin yun ng customer namin, ang unang pumasok sa isip ko, "babae anak ko?".  I'm still hoping and praying for a baby boy. Pero kung di man ako pagbigyan ni Lord, basta healthy and normal baby happy na ako. 




September 22, 2013


Got new dress from ate Maribeth, not just an ordinary dress, an Indian dress.  First look you will thought na conservative ang dress na 'to dahil nga conservative ang mga tao sa India. 


But I was wrong, kung gano siya kahaba, ganun din kahaba ang slit niya. Nagulat ako nung unang suot ko, akala ko manghihinayang pa ako na ipangbahay lang siya dahil maganda ang burda ng beads, kaso pano mo naman ipanglalabas 'to? Baka sabihin pa ng mga tao, buntis na ako nangaakit pa ako. Hahaha! By the way people, I'm sorry for my ugly face.


Thank you ate Maribeth for my so many new clothes. Happy kami ni Baby dahil ang luwag luwag, hindi siya naiipit. 


September 15, 2013


Our baby at 26 weeks.

Sadly, we still don't know the gender of our little angel. But we are happy to know that our baby's weight is just right and it's healthy. Sa super kulit niya di makita ang kanyang sex organ. According to the OB parang 70% girl and 30% boy, hindi sila sure kung penis ang nakita nila or  cord. Pasuspense ang sex ng aming first baby. We're hoping on my 7th month malaman na namin ang gender.