BreastFeeding Program

At St Luke's Medical Center

Dahil may raket si Emmanuel hindi niya ako nasamahan sa breastfeeding program. Dapat nga hindi na ako aattend kasi wala ako kasama, pero gusto ko  matuto. Pumunta ako at nagbakasakali na may matutunan, at hindi nga ako nagkamali. Marami akong natutunan, and I hope maging daan 'to para maging mabuting ina ako sa  baby namin.


Dahil late ako, hindi ko nakuha ang libreng Fruitas shake  at Jamaican patty. At hindi pa ako nakasali sa raffle, sayang. Ang gaganda pa naman ng prize, crib, stroller at electronic breast pump. 


Pero okay na din dahil marami naman akong nakuhang freebies, gaya ng diaper, Lactacyd, eco bag, baby wipes, Avent's gift certificate at marami pang iba. Sulit na rin ang pagod at pagpunta. I'm sure happy ang baby ko sa mga new things niya at syempre mas happy ang kuripot na nanay. I hope makatulong na rin ito sa expense ni Emmanuel. 


No comments:

Post a Comment