BreastFeeding Program

At St Luke's Medical Center

Dahil may raket si Emmanuel hindi niya ako nasamahan sa breastfeeding program. Dapat nga hindi na ako aattend kasi wala ako kasama, pero gusto ko  matuto. Pumunta ako at nagbakasakali na may matutunan, at hindi nga ako nagkamali. Marami akong natutunan, and I hope maging daan 'to para maging mabuting ina ako sa  baby namin.


Dahil late ako, hindi ko nakuha ang libreng Fruitas shake  at Jamaican patty. At hindi pa ako nakasali sa raffle, sayang. Ang gaganda pa naman ng prize, crib, stroller at electronic breast pump. 


Pero okay na din dahil marami naman akong nakuhang freebies, gaya ng diaper, Lactacyd, eco bag, baby wipes, Avent's gift certificate at marami pang iba. Sulit na rin ang pagod at pagpunta. I'm sure happy ang baby ko sa mga new things niya at syempre mas happy ang kuripot na nanay. I hope makatulong na rin ito sa expense ni Emmanuel. 


August 12, 2013

Nagkasalubong kami ni Sabrina Claire sabay kiss at hug sa  tummy ko.

Saab: Hi baby Tuta! (Mwah!) Hi!


Nakakatuwa lang dahil sa edad ng 2 years old may nagmamahal na sa baby ko. At sigurado ako na sa tuwing kinikiss siya ni Sabrina at Nicole, natutuwa ang baby ko. Masayang masaya ako dahil hindi pa siya nakakalabas marami ng nagmamahal sa kanya. 

Dengue



Nakakaasar dahil nagkasakit ako habang nagbubuntis ako. Natakot ako dahil baka maapektuhan ang baby ko. Thank God hindi niya ako pinabayaan, hindi ko na kailangan magblood transfusion. Nakakalungkot lang kasi ang laki ng binayad sa hospital, ang masaklap pa galing sa savings ko dahil broke si father kakabayad lang kasi ng Cebu tour ng aking baby brother. Pero okay na rin yun at least hindi ako naging pabigat sa parents ko at money lang ang nawala, hindi ang baby ko. Sabi nga nila, money will come and go. Babawi na lang ako next year pag nagwork na ako ulit. Todo tipid at ipon ang gagawin ko. For now, nothing to worry. Alam kong mahal ako ng Diyos at hindi niya kami pababayaan.