Pamamanhikan

Sobrang nagulat ako nung araw na 'to. Hindi ko akalain na madaming dadalhing relatives at food si Pupung, pati lola ni Lianne kasama. Ang saya ko today kasi naging maayos ang paguusap, walang pagmamataas na nangyari. Kahit ang lola ko hindi nagyabang. Isang himala! Nagkasundo ang lahat kahit hindi pa sure kung magcivil or church wedding next year. Nagdedepende pa kasi ang lahat sa money namin ni Pupung, one thing is for sure. Magpapakasal kami next year. At gagawin namin ang makakaya namin para hindi kami manghingi ng pera mula sa parents ko. Magiging financially responsible na kami dahil sa December parent na kami. Yay! 

Nakakatakot magprepare ng kasal dahil ang laki ng gastos. Pero okay lang basta I will make sure na ito lang ang magiging kasal ko. Si Emmanuel Mamararlo lang ang lalaking papakasalan ko. Help us God! 

Sayang lang dahil sa sobrang saya ko walang souvenir, hindi ako nakapagtake ng pictures. 

July 24, 2013


I texted my former colleague and shared the good news, and this is her reply. So happy and surprised with her reply, I hope all of my friends will be happy  and support me and my fiance. And will not text or PM me just to be updated in my life.  I want real people. People that will never leave and knows how to love unconditionally. 

July 23, 2013

At our Sari-Sari Store

Customer: Preggy ka ba?
Sarah Jean: Opo.
Customer: Swerte mo naman.
Sarah Jean: (Smile)
Customer: Ako dekada na gumagawa hindi makabuo.


Super happy ko nung sinabihan ako ng customer namin na swerte ako. Nung nabunstis ako napilitan ako magresign sa work ko dahil shifting at dahil dun nawalan ako ng income. Nakakastress dahil hindi ako sanay na walang income, gustong gusto kong nagiipon. Pero inisip ko na lang na para 'to sa baby ko, na kung hindi ako magreresign maaari siyang mawala sa akin. Mas mahal ko ang baby ko kesa sa pera. Swerte talaga ako at magkakababy ako, hindi lahat ng babae nabibigyan ng opportunity magkababy. At dahil  blessed ako, aalagaan ko ang bigay ni Lord. I will be forever thankful to God. No more worries sa expenses, hindi ako pababayaan ni Lord. 

New OB


 Dahil gusto ng family ko na lumipat ako sa  friend na OB ng Ninang ko, lumipat na ako kahit labag sa loob ko para walang away. Yes, labag sa loob ko dahil mahal sa St. Luke's Centre. Huhu. Kawawa naman kami ni Pupung. Pero in fairness kahit mahal sulit naman dahil may lecture. Dami namin natutunan. At may bonus pang booklet, kaaliw lang dahil  nalaman ko ang development ng baby, especially the do's and dont's.

July 20, 2013

At Welcome Rotonda footbridge.
May matandang babaeng pulubi na binigyan ni Pupung ng barya.

Pulubi: Salamat! First baby niyo yan? Bagay na bagay kayo.

Nakakatuwa yung pulubi dahil hindi naman lahat ng pulubi ay marunong magpasalamat na nakangiti. At kahit 4 years at 1 month na kami, natutuwa pa rin ako sa tuwing sinasabihan kami ng "bagay  kayo". Hindi ko mapigilan sarili ko kiligin. Sana pati sa mata ng Diyos bagay kami. 

July 16, 2013



At Sbarro, SM North EDSA.

So happy today dahil nakalibre na naman ako ng pasta. Thank you Kaye! You absolutely made my day. Nabusog kami ni Baby. Sana marami  pa siyang blessings na dumating para malibre ako madalas habang hindi pa ako pwede magwork. Hoho! Ang hirap talaga ng bum, always walang money. Salado ako sa mga taong nakakatagal na hindi magtrabaho. 

The Best Friendship is Over


Sadly nabasag na ang gift sa akin ng best friend kong si Ariane. Maybe tama si Kaye na it's time na para itapon ko ang frame at kalimutan ang friendship namin. Mahirap maghabol at ayoko maghabol sa taong iniwan ako ng walang paalam at hindi ko man lang alam ang dahilan. Akala ko hanggang tumanda ako kaibigan ko pa rin si Ariane but I was wrong. Hindi ko alam na pag nagkaboyfriend na siya  mawawala na lang siya na parang bula. Na para bang wala akong ginawang mabuti sa kanya. Yes, masakit ako magsalita pero maganda ang intention ko. Gusto ko lang ang best sa kanya. Maybe some other people will not understand my points of view, especially those people who don't know me well. But I want the world to know na sa tuwing nagsasalita ako kay Ariane, tinitignan ko siya bilang isang ina,anak at tao sa lipunan, at hindi lang bilang isang babae na uhaw sa pagmamahal. Naniniwala ako na lahat ng pagkukulang na nararamdaman natin ay mapupunan ng Diyos.  

Sa ngayon iniiwasan ko magalit kay Ariane, may mali rin ako. Masyado ko siyang minahal, na feeling ko pag nasira buhay niya, masisira na din sa akin. Mali na pinagkatiwalaan ko ang isang taong kayang kaya ako iwanan sa isang iglap. 

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit nabawasan ako ng inaakala ko na isang tunay na kaibigan ay masaya pa rin ako ngayon kapilang ang pamilya ko, mga tnay na kaibigan at ang future husband ko. At siguro ang baby ko na nasa tiyan ko ngayon ang pinalit  kay Ariane. Well, God is good talaga.  Sana kung ano mang mali na nagawa ko noon, hindi ko na maulit sa anak ko. Sana hindi niya ako iwan gaya ng ginawa ng best friend ko. Sana maging masaya rin si Ariane, at sana itong pagtalikod niya sa akin ay maging daan para maging masaya siya ng tuluyan.