June 23, 2013


Yey! Finally may green mangoes na ako. Super  thanks to my super boyfriend Emmanuel. Kahit super asim nito, hindi ako magsasawa sa mangga. Okay lang sa akin kahit walang bagoong, solve na ako sa asin. Haha. Lihi? Not. Matakaw lang. 

4th Anniversary


I am happy and I feel so very blessed. 

Hindi ako kasing buti ng ibang tao pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil kahit ganito ako, binigyan niya ako ng isang taong magmamahal at magaalaga sa akin. Hindi ko akalain na aabot kami ng  4 years dahil lagi kaming hindi magkasundo. Himala na hanggang ngayon magkasama at nagmamahalan kami. Laki ng pasasalamat ko na sa loob ng apat na taon wala akong naging kahati kay Emmanuel, at ganun din naman siya sa akin. Kahit na hindi malimbing at masungit ang boyfriend ko, siya pa rin ang mamahalin ko. At gagawin ko lahat para maging mabuting partner. I will change everyday for the better. At kahit hindi kami kasing yaman ng iba, kontento na ako kung ano meron kami at sa ibibigay  ni Lord. 

June 12, 2013


1 day to go resign na ako sa Bodog. Actually dapat 2 days pa kaso ayoko na umabot ng Town Hall dahil ayoko sumayaw. Hindi ko carry i-expose ang baby bump ko at ayoko na pagurin sarili ko sumayaw. And beside kahit nagsusuot ako ng bikini hindi ko feel ang sumayaw na nakabra. For me hindi siya proper suotin sa pangsayaw at alam ko na pag ginawa ko yun pagaawayan lang namin yun ni Pupung. Ayoko na ng away. Ayoko mastress dahil maaapektuhan ang aking baby love. 

June 8, 2013


Ilang araw na lang ako magtitiis sa super lamig na aircon ng PBCOM Tower, mapapahinga na rin kami sa wakas ni baby. Yes! Ayoko pa sana magresign kasi ayoko mawalan ng income kaso kailangan na, baka mawala pa ang baby ko dahil sa stress ng trabaho at dahil ang layo ng working place ko. Nawa'y gabayan ako ng Diyos sa pagbubuntis ko.