Pasalubong from Ate Maribeth

Hindi ko expect na magkakapasalubong ako from ate Maribeth. Saya! 


Ganda ng Seiko watch ko, water proof. 

 


New make-up. Kahit di ako marunong magmake-up nagpabili ako. Feelingera ko. Haha.


Pentax K-01


My new toy, early birthday gift for myself. Actually hindi naman ako mahilig sa DSLR, hindi ko rin siya pinangarap, iTouch 5 ang dapat kong bibilhin pero naisip ko kasi pag DSLR bibilhin ko hindi lang ako ang magiging happy, pati si Emmanuel. Mahilig kasi  magpicture ang boyfriend ko. Super special sa akin ang camera na 'to dahil ito ang pinakamahal na gamit na binili ko mula sa baon ko nung college. Yes, hobby ko ang magipon. Sabi nga nila kuripot daw ako, pero ang totoo practical lang. Nalungkot  ako nung binili ko 'to kasi ang laki ng nabawas sa savings ko pero para hindi ako manghinayang inisip ko na lang na marami naman siya macacapture na happy memories ng mga mahal ko sa buhay, so worth it naman. 

At dahil malaki ang pera na nilabas ko. Magiipon ako ulit para maging happy ako. Makita kong lumaki ang savings ko ang totoong kaligayahan ko, hindi ako mahilig maki-in sa gadget. Simpleng tao lang ako. Pagdarasal ko na lang na matibay ang camera na 'to, sana abutin pa pag nagkapamilya na ako.