2nd Wedding Anniversary Gift




Mask, snorkel & fins set for hubby. Super hilig magsnorkeling ng asawa ko kaya yan naisip ko igift. Kahit minsan nakakaselos na ang mga fish. Haha! May sariling mundo kasi siya kapag asa beach. LOL! I love you, Emmanuel! Sana happy ka. 


Christmas 2015


Every hard working parents deserve to get pamper. Thank you for everything mother superior and father nature, I love you both!

Mama's 52nd Birthday

Happy birthday to the woman that made my life heaven on earth. 🎂 For everything that she've been through, she truly deserve to be treated as a queen. Thank you for always watching over us and leading me in the right direction. I love you. 😘

October 12, 2015


Sobrang happy ko! Finally after pamimili ko paisa isa every cut off  nakumpleto ko na mga kakailanganin namin sa pamumundok. Salamat sa asawa kong si Pupung sa pagsoporta. Siya ang laging nakikipagmeet up dahil mas malapit sa office niya. 

Sobrang salamat Lord sa mga blessings. Talagang alam mo kung saan ako sasaya. Nawa'y hindi ka magsawa mahalin kami at nawa'y gabayan mo kami sa paglalakbay namin. Gusto ko makita ang mga gawa mo, lalong lalo na ang bansang  Pilipinas.

Bought stove and cooking set from 2 the Peak at power bank from Asianic, SM Mega Mall.

Bobby's iPad Mini


 Bobby's first gadget. Nabili namin sa pinsan ni Emman. At salamat kay Eper dahil binenta niya ng presyong pinsan at installment pa. May kasama pang casing diba. Bait! Lol! Ayoko sana bilhin 'to kasi nanghihinayang ako sa pera at ayoko lumaki si Bobby na puro iPad gaya ng mga pinsan niya. Kaso kinunsensya at pinilit ako ni Pupung. Kaya pumayag na rin ako sa paniniwalang magiging happy si Bobby.


At kinabukasan nagpunta kami nila Pupung sa Farmer's para bumili ng casing. Napaghahalataan kung sino ang excited. Ayaw niya papigil. Lol! 

Lord, salamat po sa lahat ng blessing ng binibigay niyo sa amin. Kung hindi dahil sa inyo hindi namin mabibilhan ng ganito ang anak namin. Salamat po! Nawa'y hindi kayo magsawa. 




July 17, 2015


Finally nakabili rin. Ilang beses ako nagattempt bumili nito pero hindi matuloy tuloy dahil maraming gastusin. Pero dahil mabait si Lord may sumobra sa ipon ko. Huhooo!!! May bag na ako for hiking. Yes! Hindi ko maexplain kung gano ako kasaya ngayon. Parang gusto ko ng pumuntang bundok agad kaso tag-ulan, mahihirapan ako.







At dahil sale sa SM North, binilhan ako ng asawa ko ng bags para daw sa mga gadget ko pag nagouting or hiking kami. Ang bait. Hindi ko akalain na bibilhan niya ako dahil nagiipon siya at marami siyang gastusin at gusto bilhin. Sobrang natouch ako.

Ang saya saya ko talaga sa mga bago kong bag. Simple lang kaligayahan ko. Ganito lang. Sana pagkumpleto na gamit ko paghiking may pera at lakas pa ako panghiking at syempre sana maapprove leave or maging weekend naman rest day ko. Lord, super thank you. Alam mo talaga mga kaligayahan ko. I love you. Sisikapin ko lalo maging mabuting tao.




New Pit Boss

I got promoted and all I can say is God is really really good! Maraming maraming salamat po! Lahat ng paghihirap ko sa wakas napansin rin. At alam ko hindi mangyayari 'to ng walang gabay ni Lord. Aaminin ko lagi akong tulog sa table. Kung hindi dahil sa kanya malamang inulan na ako ng salto. Salamat at lagi niya dinidinig prayers ko. Lagi ko nakukumpleto incentives ko kahit hindi na quarterly. Well, fault ko naman kung bakit di ko makumpleto quarterly, dahil yun sa late at absent ko. Sad right? Sana kasi walang verbal ang sick leave. Haha!

Anyway gusto ko lang ishare na masaya ako sa pagkapromote ko at sana kayong bumabasa nito wag mawalan ng pag-asa. Dahil sa totoo lang hindi ko inexpect na mapopromote ako dahil lagi ako pinapagalitan ng mga studio manager pero gaya nga lagi sinasabi ng trainor ko na si Ma'am Queen, "pag hindi ka favorite, gawin mo ang best mo". Well I did. Every day and every night pinipilit ko magising para walang salto, complete incentives at may extra money pangfamily day. Uh huh! Ang pamilya ko ang inspiration, para may panggastos sa needs at wants at may pangabot sa magulang. Sana kayo rin wag susuko. Galingan niyo lagi.



Quote for the day:

Never stop doing your best just because someone doesn't give you credit.